jestpic.com

Discover Best Images of World

#food #travel #sports #news #may #monday

𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗨𝗧𝗢𝗦 𝗡𝗜 𝗝𝗢𝗦𝗘𝗣𝗛 𝗦𝗧𝗔𝗟𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 "𝗡𝗢𝗧 𝗔 𝗦𝗧𝗘𝗣 𝗕𝗔𝗖𝗞!" 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥
July 28, 1942

"Not one step back!"

Ito ang naging islogan ng kautusang ipinroklama ng Premier ng Soviet Union at People's Commissar for Defense na si Joseph Stalin sa araw na ito noong 1942.

Ang Order no. 227, na isinabatas ni Stalin, ay bilang tugon ng pamahalaang Soviet sa malakihang desersyon ng ilang mga sundalong Soviet, mula nang salakayin ng Nazi Germany ang Soviet Union noong Hunyo 1941, at layunin ng nasabing batas na mapanatili ang moral at disiplina ng Red Army sa harap ng pasistang kalaban. Ipinatupad ang Order no. 227 sa lahat ng mga batalyon, mga iskwadron, at mga punong himpilan ng Red Army.

Ayon sa nasabing batas, bawat regimental front ng Red Army ay magtatatag ng isa o tatlong penal battalion, kung saan ang mga mahuhuling sundalong Soviet na umaatras ay ilalagay sa penal battalion at idedestino sa mas mapanganib na bahagi ng labanan, bilang parusa sa kanilang walang permisong pag-atras. Ipinagbabawal ng nasabing batas ang walang permisong pag-atras ng kahit sinong mga heneral, kundi ay isasakdal ang mga pasaway na mga komandante o heneral sa hukumang militar. Ipinag-utos rin sa Order no. 227 ang pagtatalaga ng "blocking detachment" kung saan isang linya ng mga sundalong Soviet ang ilalagay sa likuran ng mga umaabanteng yunit ng Red Army upang barilin agad ang sinumang mahuhuling nagpapakita ng karuwagan sa harap ng labanan. Naging popular ang blocking detachment na ito sa labanan sa Stalingrad, na nagsimula noong Agosto 1942. Pero dahil sa notoryus na reputasyon nito at nakitang hindi ito praktikal na paraan para maiwasan ang karuwagan sa mga sundalo, tahimik nang inalis ang blocking detachment noong Oktubre 1942 at binuwag sa bisa ng Order no. 349 na nilagdaan ni Stalin noong Oktubre 1944. (...)

#NgayongArawSaKasaysayan
#NotAStepBack #OrderNo227
#JosephStalin #WorldHistory
#SocSciclopedia

7/28/2021, 4:28:43 PM