BANDERAnews images

Discover Best BANDERAnews Images of World

#food #travel #sports #news #may #friday

Isang van ang naaksidente sa Brgy. Labog, Sofronio Española, Palawan pasado 8:00 ngayong umaga, May 14, 2024. Pinaniniwalaan naman na dumulas ang gulong ng van dahil sa maulang panahon sa lugar nang maganap ang aksidente. Sa ngayon ay patuloy pang nangangalap ng karagdagang detalye ang newsteam sa aksidente. #BANDERAnews #palawan #sofronioespañola #accident Photo Courtesy: Jerwen Loquiso Mariño

5/14/2024, 4:33:50 AM

Isang van ang naaksidente ngayong umaga, May 14, 2024 sa Brgy. Labog, Sofronio Española, Palawan. Pinaniniwalaan naman na dumulas ang gulong ng van dahil sa mauling panahon sa lugar nang maganap ang aksidente.. Sa ngayon ay patuloy pang nangangalap ng karagdagang detalye ang newsteam sa aksidente. #BANDERAnews #palawan #sofronioespañola #accident Photo Courtesy: Jerwen Loquiso Mariño

5/14/2024, 4:05:24 AM

Sumalpok sa topdown ang isang motorsiklo habang binabaybay ang kahabaan ng Junction 2, Brgy. San Manuel, Puerto Princesa ngayong umaga. Sa inisyal na ulat, papasok sana ng BM Road ang topdown nang mabangga ito ng paparating na motor at tumama side wheel. Sa lakas ng pagkakabangga ay bumaluktot ang gulong ng topdown habang basag naman ang harapang bahagi ng motor at nagtamo naman ng sugat sa mukha ang driver nito.. Sa ngayon ay patuloy ang imbestigayon ng pulisya sa insidente. #BANDERAnews #PuertoPrincesa #SanManuel #accident

5/14/2024, 3:47:45 AM

Huli sa Anti-illegal Drug Buy-bust Operation ang isang lalaki sa Purok Singko, Bonifacio Street, Brgy. Masipag, Puerto Princesa City nitong Linggo ng hapon, May 12, 2024. Sa pamamagitan ng buy-bust operation ay nahuli ang suspek na si Jose Joh Talapian, 25 years old, residente ng Brgy. Bagong silang, Puerto Princesa City. Nakuha mula rito ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1, 500. Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous drugs act of 2002. #BANDERAnews #palawan #PuertoPrincesa

5/13/2024, 3:13:54 AM

Wala ng buhay nang madiskubre ang isang lalaki sa kanyang tinutuluyang bahay ngayong umaga sa Mitra Road, Brgy. Sta. Monica, Lungsod ng Puerto Princesa, May 13, 2024. Nakilala ang biktimang si Rodolfo Brazil, 65 years old. Kumbinsido naman umano ang kaanak na walang nangyaring foul play sa insidente. #BANDERAnews #palawan

5/13/2024, 2:38:52 AM

Hinarang ng limang hindi pa nakikilalang mga indibidwal ang isang delivery rider sa Barangay Latud Rizal, Palawan nitong Sabado, May 11, 2024. Sa imbestigasyon ng Rizal MPS, patungo sana ng Brgy. Rio Tuba, Bataraza ang biktimang si Mohamad Jhon Sappayani, 24 years old nang harangin ito ng limang mga suspek na armado ng baril. Dito ay kinuha umano ng mga suspek ang kanyang bag na naglalaman ng pera na nagkakahalaga ng P30,000, isang cellphone, ORCR ng motor at driver’s license. Pero hindi pa nakuntento ang mga suspek at kinuha din ang susi ng kanyang motorsiklo saka mabilis na tumakas. #BANDERAnews #palawan #RizalPalawan #PoliceReport

5/13/2024, 2:11:36 AM

Huli sa joint operation ng San Vicente MPS katuwang ang CIDG Palawan, Police Intellegence unit at iba pang unit ng PNP ang tinaguriang Rank no. 1 Most wanted person sa MIMAROPA at Lalawigan ng Palawan sa Brgy. New Agutaya, San Vicente, Palawan nitong Sabado, May 11, 2024. Nakilala ang naaresto sa alyas na Pedro na nahaharap sa mga kasong Rape by Sexual Assault, Lascivious Conduct at Sexual Abuse. Mayroon namang inirekomendang pyansa ang korte na ngakakahalaga ng P200, 000 bawat kaso. #BANDERAnews #palawan #SanVicentePalawan #arrested

5/13/2024, 12:42:38 AM

Arestado ang isang lalaki makaraang mahulihan ng mga baril at bala sa Purok Ilang Ilang, Brgy. Capayas, Dumaran, Palawan, umaga nitong Sabado, May 11, 2024. Sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ng korte ay hinalughog ng mga tauhan ng Dumaran MPS katuwang ang personel ng Palawan Provincial Police office ang bahay ni alyas Roy, residente rin ng nasabing lugar. Nakuha mula sa kanyang pangangalaga ang isang improvised o homemade 12 gauge shotgun, isang unit homemade calibre 45 pistol at mga bala. Ang suspek ang mga nakumpiskang armas ay nasa kustodiya na ng Dumaran MPS apara sa tamang disposisyon. #BANDERAnews #palawan #DumaranPalawan #searchwarrant

5/13/2024, 12:33:58 AM

Nasa 44°C ang tinatayang mararanasang heat index ngayong araw ng Sabado, May11, 2024 sa Puerto Princesa. Stay hydrated ka-Bandera! #BANDERAnews #palawan #HeatIndex #anginit Photo Courtesy: Gabay Pangkalusugan ng Puerto Princesa City

5/11/2024, 4:58:14 AM

Arestado ang isang lalaki makaraang makunan ng iligal na droga sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Villa Libertad, El Nido, Palawan, kagabi, May 10, 2024. Unang nabili mula sa suspek na nakilala sa alyas na “Pio”, isang boat captain, ang isang dalawang pakete ng hinihinalaang Shabu na ngakakahalaga ng P2,000. Nakuha naman mula sa kanyang pangangalaga ang dalawang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng Marijuana, at muli pang nakuhanan ng anim na sachet ng pinaghihinlaang Shabu. Sa ngayon ay nasa panganglaga na El Nido MPS ang suspek at ang mga nakuhang mga kontrabando. #BANDERAnews #palawan #elnido #Policereport

5/11/2024, 4:49:35 AM

Huli ang anim na indibidwal kabilang na ang dalawang babae at apat na kalalakihan sa isinagawang buy-bust operation ngayong gabi, May 10, 2024 sa Brgy. San Pedro, Lungsod ng Puerto Princesa. Kabilang din sa naaresto ang isang High Value Individual na nakilala sa alyas na “Uncle Jay”. Nakuha mula sa mga ito ang syam na pekete ng pinaghihinalaang shabu, isang kalibre ng baril, P20,000 na boodle money at iba pang drug paraphernalia. #BANDERAnews #palawan #PuertoPrincesa #police

5/10/2024, 3:13:41 PM

TINGNAN: Pormal nang naupo si Rear Adm. Alfonso Torres bilang acting Western Command Commander matapos na mag-file ng leave si Vice Adm. Alberto Carlos. Ginanap ang Assumption of Command Ceremony kahapon kasunod na rin ng pahayag ng Armed Forces of the Philippines na hindi pa batid kung kailan babalik si Carlos mula sa kanyang “personal leave”. #BANDERAnews #palawan #wescom #WestPhilippineSea

5/9/2024, 1:40:11 AM

Binigyan ng show cause order Social Security System (SSS) ang anim na establisyemento sa Lungsod ng Puerto Princesa sa isinagawang simultaneous Run After Contribution Evaders (RACE) operation. Pinangunahan mismo ni Commissioner Jose Julio ng SSS-Workers' Group at Atty. Renato Cuisia, Vice President ng Operations Legal Services Division 1 & 2 ang operasyon. #BANDERAnews #palawan #SSS #employers Photo Courtesy: PIA Palawan

5/9/2024, 1:06:00 AM

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA region ang mga Barangay officials, Sangguniang Kabataan officials, Brgy. Tanod at iba pa na magsagawa ng Simultaneous Natiowide clearing operation sa mg Barangay road sa May 10, 2024. Ito ay sa bisa ng DILG Memorandum Circular 2024-053 na inilabas nitong April 16 ngayong taon. Kabilang sa mga dapat alisin sa mga barangay road ay ang mga maituturing na road obstruction gaya na lamang ng mga illegal parking mga sasakyan, mga illegal terminal, mga construction materials at iba pang abala sa kalsada. #Banderanews #palawan #barangayofficials #DILG

5/8/2024, 1:13:43 AM

Pinusuan online ang isang guro na naging instant “babysitter” matapos na alagaan ang anak ng isa sa kanyang mga estudyante sa Quezon , Palawan. Nakilala ang guro na si Jasmin Batiller, senior high teacher ng Quezon Panitian National High School. Nagkataon umano kasi na final exam ng nanay ng bata at walang magbabantay dito. Kaya para maka-focus sa kanyang eksaminasyon ang estudyante ay kinarga at inalagaan muna ito ni Teacher Jasmin ang baby nito. #BANDERAnews #palawan #QuezonPalawan #teacher Photo Courtesy: Teacher Alex Alcazarin

5/8/2024, 12:58:11 AM

Nagtamo ng sugat sa braso ang isang lalaki sa naganap na pananaksak sa Purok Pagkakaisa, Brgy. New Canipo, San Vicente, Palawan pasado 7:00 kagabi, May 6, 2024. Nakilala ang biktimang si Nicolas Llamera, 48 years old, residente sa lugar, habang kinilala naman ang suspek sa alyas na “Jay”, residente ng Alacalian, Taytay, Palawan. Sa imbestigasyon ng PNP, habang nagpapahinga ang biktima sa kanyang rest house kasama ang dalawang iba pa ay bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng kutsilyo. Dito ay sinugod umano ng suspek at inundayan ng saksak ang biktima at tinamaan ito sa kanyang braso. Napagalaman naman na bago ang insidente ay nagkaroon ng diskusyon sa pagitan ng biktima kasama ang ilang barangay official at ang suspek na umano’y nasa impluwensya ng alak dahil sa pag-iiskandalo nito. Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga otoridad para maaresto ang tumakas na suspek. #BANDERAnews #palawan #sanvicente #policereport

5/7/2024, 6:29:19 AM

TINGNAN: Epektibo ngayong araw ng Martes ang ilang sentimong bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Sa paabiso ng mga oil company, may bawas na P0.75 sa presyo ng Gasolina, P0.90 naman sa presyo ng Diesel, habang sa presyo ng Kerosene naman ay may rollback naman na P1.05. #BANDERAnews #palawan #Gasolina #Petrolyo #rollback Photo Courtesy: Caltex Philippines, Sea Oil, Cleanfuel

5/7/2024, 1:22:02 AM

Nilinaw ni Senator Win Gatchalian na hindi galing sa kanyang tanggapan ang ipinamahaging sako-sakong bigas sa mga nasunugan sa Brgy. Pagkakaisa sa Puerto Princesa kamakailan. Ang naturang bigas kasi ay sinasabing mababa ang kalidad at hindi na maaaring kainin kapag isinaing. Ayon sa senador, ipinamahaging bigas ng kanyang tanggapan ay bigas mula sa NFA at hindi ibang brand ng bigas kung saan sya mismo ang nanguna sa pamamahagi nito. Samantala, nananatili namang umanong bukas ang kanilang tanggapan para sa anumang daing hinggil dito. #BANDERAnews #palawan #WinGatchalian #bigas #NFA

5/7/2024, 12:55:24 AM

Isinugod sa ospital ang isang motorista matapos itong maaksidente nang masagi nya ang nakaparadang tricycle sa gilid ng kalsada sa Brgy. New Barbacan, sa Bayan ng Roxas pasado 7:00 kagabi, May 6, 2024. Batay sa mga nakasaksi sa insidente, binabaybay ng motorista ang lugar patungong Poblacion sa nasabing lugar, nang bigla na lamang umano itong natumba matapos na masagi nito ang nakaparadang tricycle. Nagtamo ng sugat sa katawan ang motorista na agad ding nadala ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO Roxas ang biktima sa pagamutan. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ang ng pulisya sa insidente. #BANDERAnews #palawan #roxaspalawan #accident

5/7/2024, 12:31:58 AM

Tumagilid ang isang truck sa pababang bahagi ng bayan ng Elnido, Palawan kaninang pasado 11:00 ng umaga, May 6, 2024. Ayon sa driver ng truck na si Arjay Arroyo 36 years, residente ng Quezon, Palawan, nawalan umano ng preno ang sasakyan na kanyang minamaneho mula sa Brgy. Villa Libertad para umigib ng tubig. Dahil dito ay nagdesisyon itong ibangga na lamang sa gilid ng kalsada ang sasakyan na naging dahilan para tumagilid ito. Maswerte namang walang nasaktan sa aksidente. Samantala, nasa lugar pa rin ng pinangyarihan ng aksidente sangkot na sasakyan. #BANDERAnews #palawan #elnidopalawan

5/6/2024, 7:37:25 AM

Balik in-person classes na ang mga estudyante ngayong araw, May 6, 2024 sa munisipyo ng Coron, Palawan. Sa bisa ito ng isang memorandum order na inilabas ni Coron Mayor Mario Reyes bilang tugon sa hiling ng mga school head na alisin na ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwlehan mula Kindergarten hanggang College sa munisipyo. Ito ay para mabigyan umano ng pagkakataon ang mg estudyante na tapusin ang kanilang mga requirements at aktibidad sa eskwelhan para sa nalalapit na pagtatapos ng school year na hindi kayang gawin virtually. #BANDERAnews #palawan #coronpalawan #facetofaceclassesbalikna #HeatIndex

5/6/2024, 1:26:50 AM

WARNING: GRAPHIC CONTENT Nagpapatuloy pa ngayon ang pagtugis ng mga otoridad sa suspek sa pagpatay sa isang 59 anyos na lalaki na natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa Sitio Malinao II, Brgy. Calumpang, Quezon, Palawan noong May 1, 2024. Sa report ng Quezon Municipal Police station, bago ang insidente ay nakipag-inuman pa ang biktimang nakilalang si Samuel Pinlasan sa kanilang kapitbahay kasama ang kanyang dalawang anak, pero kalaunan ay nauna umanong umuwi ang biktima sa kanilang bahay. Sumunod namang umuwi ang kanyang anak na si Jerico kung saan dito na umano nya nadatnan ang kanyang ama na nakahandusay sa kalsada at may saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Blangko pa ang mga otoridad sa pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa krimen. #BANDERAnews #Palawan #QuezonPalawan #STABBINGINCIDENT

5/5/2024, 2:34:34 PM

Inaresto ng mga otoridad ang isang 19 anyos na lalaki matapos na ireklamo dahil sa umano’y pagharang nito sa mga dumaraan habang may hawak na itak sa Purok Gumamela Brgy. Sta. Monica, Lungsod ng Puerto Princesa, Sabado ng gabi, May 4, 2024. Sa pagresponde ng mga tauhan ng Police Station 2 at Anti-crime Task Force ay nakipaghabulan pa umano ang suspek na si Alyas “Rogie” sa mga otoridad pero kalaunan ay naaresto rin. Agad namang dinala sa PS2 ang suspek at narekober din mula sa kanya ang itak. #BANDERAnews #Palawan #police Photo Courtesy: We R1 at Your Service

5/5/2024, 2:03:57 PM

TINGNAN: Nasa Balabac, Palawan ang Actor-Director na si Coco Martin at Senator Lito Lapid. #BANDERAnews #palawan #Balabac #CocoMartin #LitoLapid Photo Courtesy: John Ariel Villajos

5/4/2024, 12:54:47 PM

Isinasagawa ngayon sa Lungsod ng Puerto Princesa ang Focus Group Discussion kaugnay sa People Power Summit na may temang: “Towards Efficient & Affordable Electricity for Palaweño". Ang People Power Summit ay naglalayon na maunawaan ng mga Palaweño ang problema sa kinahaharap na Power Crisis sa lalawigan at mabigyan ito ng solusyon. #BANDERAnews #PuertoPrincesa #peoplepowersummit #kuryenter

5/3/2024, 8:05:10 AM

Ngayon ay World Press Freedom Day #BANDERAnews #WorldPressFreedomDay

5/3/2024, 4:40:14 AM

Patay ang driver ng motorsiklo, habang sugatan naman ang kanyang backrider matapos na maaksidente sa kahabaan ng Municipal Road, Sitio Bunuangin, Brgy. Port Barton, San Vicente, Palawan, pasado 6:00 ng umaga nitong Myerkules, April 30, 2024. Nakilala ang nasawing biktima na si Romulo Lapore Jr., 34 years old, residente rin ng nabanggit na lugar. Sa imbestigasyon ng San Vicente MPS, mabilis na binabaybay ng mga biktima ang kalsada patungong barangay proper ng Port Barton kung saan pagsapit sa kurbadang bahagi ng kalasada ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Dahil dito ang nag-overshoot umano ang kanilang sinasakyang motorsiklo at aksidenteng bumangga sa puno ng Niyog. Nagtamo ng head injury sa ulo ang driver ng motor na nagresulta ng kanyang pagkamatay, habang nagtamo naman ng sugat sa katawan ang backrider nito. Lumalabas naman sa imbestigasyon ng PNP na posibleng nasa impluwensya ng alak ang mga biktima nang maganap ang aksidente. #BANDERAnews #palawan #SanVicentePalawan #accident

5/3/2024, 2:15:27 AM

TINGNAN: Top 9 Registered Master Electrician si John Tagapulot Ombe ng Palawan State University sa katatapos na Electrical Engineering board examination. #BANDERAnews #palawan #boardexam #PRCBoard Photo Courtesy: PRC

5/3/2024, 1:46:46 AM

Nakumpiska ng mga otoridad ang kahon-kahong smuggled na sigarilyo mula sa isang warehouse na pag-aari ng isang alyas Al sa Brgy. Saraza, Brooke’s Point, Palawan, bandang 7:58 kaninang umaga, May 1, 2024. Nakatakas naman may-ari ng naturang warehouse. Samnatala, ang mga nakumpiskang kontrabando ay nasa kustodiya na ng Bureau of Internal Revenue Palawan para sa tamang disposisyon. #BANDERAnews #palawan #BrookesPoint #smuggledcigarettes

5/1/2024, 10:32:39 AM

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na ibigay ang tamang holiday pay sa kanilang mga empleyado ngayong “Labor Day”, May 1, 2024. Sa inilabas na Labor advisory no. 06-24 ng DOLE, ang mga empleyado na papasok ngayong araw ay dapat na tumanggap ng 200% na arawang sahod o double pay. Habang ang mga empleyado na naka-paid leave ay dapat ay makatatanggap naman ng 100% na holiday pay. Liban dito ay may dagdag pa na 30% sa arawang sahod kapag mayroon pang over time o lagpas saw along oras na trabaho. #BANDERAnews #palawan #DOLE #holiday Photo Courtesy: DOLE

5/1/2024, 1:40:03 AM

Huli ang isang wanted person sa ikinasang operasyon ng PNP sa Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan, kahapon, April 30, 2024. Nakilala ng naaresto na sa alyas na Jaymark, 51 years old, residente ng Brgy. Calumpang ng nabanggit na munisispyo. Si Diswan ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9175 o ang "Wildlife Resources Conservation and Protection Act at sa RA 9147 o ang “Chain Saw Act of 2002”. Mayroon namang inirekomendang pyansa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan. #BANDERAnews #palawan #QuezonPalawan #WantedPerson

5/1/2024, 1:09:59 AM

TINGNAN: Isang patay na Dugong ang natagpuan ng mga residente sa baybayin ng Brgy. Caguisan saa Narra, Palawan. #BANDERAnews #palawan #NarraPalawan #dugong Photo Courtesy: Luzminda Sangrines Buñag

5/1/2024, 12:39:21 AM

Sumiklab ang isang grass fire sa kabunduang bahagi ng Barangay 4, Roxas, Palawan kaninang tanghali, April 30, 2024. #BANDERAnews #palawan #roxaspalawan #grassfire

4/30/2024, 8:19:15 AM

TINGNAN: Matagumpay na naisagawa ng AFP, US Indo-Pacific Command, at French Navy ang isang Historic Multilateral Maritime Exercise bilang bahagi ng Balikatan exercise 2024. #BANDERAnews #palawan #WestPhilippineSea #Balikatan

4/30/2024, 12:42:52 AM

Ikinaalarma na ng Sanguniang bayan ang sunod-sunod na naitatalang aksidente sa kalsada sa Bayan ng Roxas Palawan, at tinalakay ngayong sa Sanguniang Bayan session. Sa naging privilege speech ni Sanguniang bayan member Henry Acosta, kinakailangan nang gumawa ng aksyon sa nakakabahalang bilang ng aksidente sa kalsada na naitatala sa munisipyo. Dagdag pa ni Acosta na isa sa napapansin nito ay ang kakulangan ng signage ang mga kalsada. Ayon naman Deputy chief of Police PLT. Marjorie Pacho, base sa kanilang hawak na datos karamihan sa mga naaaksidente ay hindi residente ng bayan ng Roxas, pero hindi nito maitatanggi na marami ring motorsita sa ng munisipyo na kulang sa disiplina. Gaya na lamang umano ng pagdaan sa inner lane lalo na ngayong patuloy na ang pagpapalawak ng kalsada sa munisipyo. Hiniling din nitong maaksyunan ang mga butas-butas na kalsada partikular na sa mga Barangay sa bahaging sur ng munisipyo na kalimitan ay nagdudulot ng aksidente sa mga motorista. Samantala, nakatakda namang ipatawag sa Sangunian ang pamunuan ng DPWH at LTO upang matalakay at maaksyunan ang sunod-sunod aksidente sa kalsada. #Banderanews #palawan #roxaspalawan #accident

4/29/2024, 7:31:05 AM

Arestado ang isang construction worker, habang nakatakas naman ang isa pa nitong kasama sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Purok Ilang-Ilang, Brgy. Pulot Shore, Sofronio Española, Palawan, Linggo ng madaling araw, April 28, 2024. Nakilala ang naarestong suspek na si alyas “Nal”, habang patuloy namang pinaghahanap ang nakatakas na si alyas “Jam”, kapwa residente ng nasabing lugar. Sa pamamgitan ng pinagsanib na pwersa ng Municipal Drug Enforcement Team, Sofronio Española MPS at PDEU-Palawan PPO ay nahuli ang suspek matapos na mabilhan ng isang pakete ng hinihinalaang Shabu. Sa paghahaluhog naman sa katawan at gamit ng suspek ay nakunan pa ito ng tatlong pakete ng pinaghihinalaang Shabu na may kabuuang halaga na P4, 000. Sasampahan naman ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. #BANDERAnews #palawan #sofronioespañola

4/29/2024, 1:12:27 AM

Huli ang rank no. 3 most wanted person -municipal level ng Culion MPS sa Brgy. Malaking Patag, Culion, Palawan, Linggo, april 28,2024. Naaresto ng ang suspek na si alyas Jan, residente rin nabanggit na lugar dahil sa reklamong Lascivious Conduct sa ilalim ng RA 7610 o ang “an act providing for stronger deterrence and special protection against child abuse, exploitation and discrimination, and for other purposes” May inirekomenda namang pyansa na nagkakahalaga ng P200, 000 ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. #BANDERAnews #palawan #CulionPalawan #WantedPerson

4/29/2024, 12:41:17 AM

Hindi pa magamit ang itinayong municipal building ng Kalayaan sa Quezon, Palawan dahil wala pang linya ng kuryente ayon kay Kalayaan Municipal Information Officer Franc Earl Fabellar. Ayon pa kay Fabellar, posibleng abutin ng tatlong taon bago pa magamit ang gusali. #BANDERAnews #MunicipalBuilding #Kalayaan #palawan

4/26/2024, 4:06:22 AM

Palawan Provincial Prosecutor Alen Ross Rodriguez, itinalaga bilang bagong OIC Regional Director ng Office of the Regional Prosecutor-MIMAROPA #BanderaNews #Palawan

4/19/2024, 10:07:42 AM

Lalaki, patay sa pananaksak sa Brooke’s Point, Palawan Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin sa Poblacion District I, Brooke’s Point, Palawan pasado 12:00 ng hating gabi, April 11, 2024. Nakilala ang biktima na si alyas Toto, habang nakilala naman ang suspek na si alyas Elson, parehong residente ng nabanggit na lugar. Ayon sa Brooke’s Point Municipal Police Station, matapos na makatanggap ng impormasyon ukol sa insidente ng pananaksak ay agad na tumugon ang kanilang mga tauhan. Sa pagresponde ng mga otoridad ay naabutan nila ang suspek na may dugo sa kanyang mukha, at boluntaryo naman itong sumuko sa mga otoridad at isinuko rin ang umano’y ginamit nitong patalim. Nang puntahan naman ng PNP ang crime scene kasama ang suspek ay naabutan ng mga ito ang biktima na may saksak sa iba’t ibang parte ng katawan na nadala pa sa Southern Palawan Provincial Hospital, pero hinid na rin naisalba pa ang kanyang buhay. Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng PNP sa insidente. #BanderaNews #palawan #BrookesPoint #PoliceReport

4/11/2024, 3:22:33 AM

#BANDERAnews 322 випуск #час на годину вперед #Ліберленд обрав біткоїн валютою #Трамп виступає проти суддів #Румунія та Болгарія в зоні Шенгену #Обшуки в президентки Перу: спроба перевороту Liberland: The Birth of a Nation or a Dreamer's Paradise? An abandoned fishing hovel stands as the sole testament to Liberland's claim to nationhood, complete with diplomatic missions, a flag, passports, and its own cryptocurrency - the Liberland dollar. This fledgeling entity champions the ideals of freedom, despite its modest beginnings. Trump's Dictatorial Ambitions Questioned by Former Adviser A former national security adviser under Donald Trump has openly doubted the former president's capacity to lead a dictatorship, citing a lack of intellectual prowess despite his apparent admiration for autocratic leaders. Peruvian President's Home Raided: An Overreach by Authorities? Peru's government has condemned the police raid on President Dina Boluarte's residence, investigating allegations of undisclosed luxury assets, as a blatant violation of constitutional rights and an excessive use of force. A New Era of Travel: Bulgaria and Romania Enter Schengen Zone After a lengthy 13-year anticipation, Bulgaria and Romania celebrate their entry into the Schengen area, enabling unrestricted air and sea travel. However, Austria's resistance continues to restrict road travel, casting a shadow over this milestone achievement.

3/31/2024, 9:53:49 AM

#BANDERAnews 294 випуск #німеччина звинуватила рф в шпигунстві #гаїті охоплено бунтами.Штурмують в’язниці #Британія розширює перелік злочинів проти держави #Трамп чи Хейлі: наступний Президент ?

3/4/2024, 8:35:14 AM

Продюсер Felix та редактор стрічки новин Simba готують Sunday’s briefing на завтра. Ось вона команда проєкту новин #Banderanews Ваш presenter Олексій Шевчук

2/10/2024, 7:41:00 PM

Today we start the week with the best MiniTacos in Bandera TX. Come and Enjoy!!! 🔥🔥🔥 💥Don Chepes Restaurant & Bar💥 🔥The Best Mexican Food at Badera TX🔥 📞(830)3285018 📍823 Main St Bandera TX 78003 #donchepes #mexicanfood #banderatx #banderanews #banderarestaurant

1/22/2024, 7:56:52 PM

Допис про наш проєкт новин #Banderanews Коротко опишу формат та задумку . Це блог новин до 1 хв . Короткий огляд найбільш цікавих міжнародних новин . Роблю його самостійно . Іноді залучаю пресслужбу , яка веде офіційні сторінки нашого штабу вОболонський район м.Києва . Ведемо вже 7 місяців на усіх платформах , окрім Twitter (X). Огляд новин сьогодні виглядає так: 1. https://www.theguardian.com/us-news/2023/dec/15/rudy-giuliani-pay-damages-election-workers-defamation-trial 2. https://www.thetimes.co.uk/article/prince-harry-claims-phone-hacking-case-mirror-newspapers-0fk20lpvm 3. https://www.lemonde.fr/en/international/article/2023/12/16/navalny-removed-from-prison-near-moscow-and-taken-to-unknown-location-according-to-spokesperson_6349397_4.html 4. https://www.foxnews.com/media/cornel-west-predicts-biden-will-drop-out-before-2024-election-lbj-moment.amp Процедура запису , огляду , підбірки та монтажу займає 45 хв рівно . Важко ? Ні , але потребує дисципліни Дикцію та вимову тренує разом зі Svitlana Vasylenko , їй уклін Радий критиці Ваш спецкор та Київський новинар Олексій Шевчук Забув . Для огляду ми читаємо навіть Japan times та китайський Global times Enjoy

12/16/2023, 8:23:23 AM

Nagbabayad kami ng tama Pero serbisyo nyo hmdi tama #SmartCommunicationsInc #banderanews #PalawanNews

3/13/2023, 9:34:55 AM

Nailigtas ang buhay mg dahil sa naka-bulletproof ang sasakyan ng biktima. #banderanews #radyobandera #dapatsiguradongligtas #huwagmagingbiktima #savelives

4/7/2022, 6:27:33 PM

I'm not Rich, I am simple, but I am Loving with a Grateful Heart to the People who believe in me in Real, I'm Start from nothing, but even People Loudly Laughing at me I knew it. Wearing different Costumes on my every Event is such a very Talented mind I've ever had of my entire life, Why I'm here in this Sports because I want People Inspire. And the Equality of Each other. I never dreamed of this but God knows why I'm here because I had my Purpose. And I will bring this aspect as Fabulous Barefoot Diva in the World of the Triathlon which is the most expensive sports in the Universe. I am Proud of myself to conquer NATIONAL AGED GROUP TRIATHLON #NAGT #NationalTriathlon #LEG1 I AM PROUD FIT PH TRI #FABULOUSBAREFOOTDIVA #KWEENoftheCENTURY #DARNA #FABULOUSRUNNINGDIVA #FRDTEAMKAVOGUE #PAR #GoPAR #FITPH #FITPHConservatives #BBGRUNPh 🇵🇭 #TeamOTOGTriathlon #DBRIONES #POL #3JAN #BULGAR #MatangBayan #BosesngPinoy #ManilaStandard #InsiderManila #BanderaNews #BanderaVisayas #BanderaMindanao #HairshaftSalon #Luminisce #LuminisceBeauty #LuminiscePodium #luminiscefort

1/20/2019, 1:43:40 PM

Ang laki at ang tirik ng iyong dibdib Fuji San. Tila umaagos ang iyong gatas sa bukana nang iyung agusan. Ang nyebe mo ay kay ganda pag masdan. Kahit sa aking bintana o sa aming labasan. #tagalegpalaka #anglahatngitoyanaksairo #igjapan #mtfuji #banderanews

7/7/2014, 9:07:56 AM